| neehnahw ( @ 2005-06-03 11:11:00 |
Federal Republic of the Philippines
Federal Republic of the Philippines.
Okay ba pakinggan? Para sa akin, oo. Ihinahayag ko ngayon ang suporta ko para sa isang federal na anyo ng pamahalaan. Sa ganitong anyo, ang Pilipinas ay mahahati sa mga estado na may sariling mga konstitusyon, batas, at awtonomiya ngunit pinagkakaisa at ginagabayan pa rin ng isang pambansang konstitusyong federal.
Suporta ako dito dahil sa ilang mga rason:
1. Ito ay isang mahusay na kompromiso sa pagitan ng panig ng mga rebeldeng separatista at ng gobyerno. Isa itong mapayapang solusyon upang magkaroon ang mga separatista ng awtonomiyang kanilang ninanais habang nananatili pa ring kabilang ng isang nasyon.
2. Ang mga estado ay magkakaroon ng pagkakataong arugain at palaguin ang kultura sa kanilang rehiyon. Maaari nilang gamitin ang kanilang katutubong wika sa kanilang pamamahala sa loob ng estado, at kakailanganin na lamang gumamit ng isang lingua franca kapag nakikisalamuha sa ibang mga estado at sa labas ng bansa.
3. Sa pamamagitan ng mga mas maliliit ng yunit, mas magiging efisyent ang pamamahala dahil mababawasan ang overhead sa komunikasyon at sa paglalakbay ng isang sentralisadong pamahalaan.
4. Mas magiging malapit sa mga tao sa lokal na lebel ang mga pamahalaan ng mga estado. Mas may kakayanan ang isang malakas na pamahalaang estado na makilala at malutas ang mga isyu sa sarili nitong rehiyon.
Siyempre, hindi malulutas ng isang federal na pamahalaan ang lahat ng problema ng bansa. Ngunit sa aking palagay ay malaki ang maitutulong ng pagbabago ng istruktura ng gobyerno sa ikauunlad ng bansa at sa katiwasayan ng mga tao nito. At higit sa lahat, hindi mangyayari ang pagbabago kung wala tayong gagawin.